Monday, March 24, 2008

tumingin ka sa langit!

tumingin ka sa langit
sa humihikbing bituin
sa bawat pagkislap
parang luhang nalalaglag

bakit kaya ang buhay
may ligaya't saya
may kalungkutan
sa puso at kaluluwa

bakit di na lamang
binuo nang maykapal
ang buhay na puno
nang ligaya't saya

at ang pagdaramdam
ay tuluyang mawala
ang kalungkutan
mapalitan nang saya!

tumingin ka sa langit
sa buwang nakapikit
tila nagaantay
nang isang pagibig

pagibig na tunay
pagibig na wagas
pagibig na magtatagal
pagibig na walang hangang!

0 comments: