Ang buhay daw ay parang tubig, patuloy itong aagos, at kahit na harangan man, ito ay patuloy pa ring aagos at maghahanap nang butas na susuutan upang maituloy ang kanyang paglalakbay.
Tumanim ito sa aking isipan, ang buhay ay parang tubig, ang mga harang ay masasabing problema na siyang nagsisilbing harang, kung minsan ang mga problema ay sobrang malalaki at parang kay hirap lusutan, parang mga tanong na wala nang katugunan, subalit sabi nga kung ang problema ay di mo pwedeng hakbangan, pwede mo naman itong lusutan sa ilalim, ikaw ang may katawan at ikaw ang nakakalam kung ano ang iyong mga kalakasan, kung hahayaan mo na ang mga problema ay patuloy kang harangan, wala ka nang aasahan umunlad pa.
May kasabihan sa ingles, "If you cannot overcome a problem , then find a way to undercome it", at ito naman ay talagang epektibo, kailangan mo lamang nang konting alalay sa mga kaibigan at nagmamahal sa iyo, sapagkat gaano ka man kasama, may mga tao pa ring nagmamahal at patuloy na magmamahal sa iyo.
Sa aking sitwasyon ang kalabit ay nangaling sa hindi ko kakilala, nangaling ito sa isang taong bumasa sa aking sulat nang saklolo, at dahil sa kanyang mga salita, ako ay natauhan, sabi nga niya matatag ka at nasa iyong kamay ang ikakaunlad o ikakasira nang iyong buhay, masaya ang mabuhay, ang magtagumpay at makatikim nang pagkatalo ay paraan nang buhay upang ikaw ay umunlad ang kailangan mo lang ay buksan ang iyong isipan at lumaban.
“Always look forward...”
-
At the end of the day, After the work is done! Look forward for tomorrow,
And hope that all will be, just as fine! Say a bit of a prayer, Say a litle
thank...
5 years ago
1 comments:
Now I wish I can read Tagalog.
Post a Comment